--Ads--
Handa si Vice President Sara Duterte na sumailalim sa lie detector test, kasunod ng paratang na tumanggap siya ng male-maletang pera.
Ito’y kung ipapakita aniya ni dating Police Patrolman Rodulfo Gracioso Jr. ang resulta ng sarili nitong lie detector test sa publiko.
Una nang sinabi ni Gracioso na sa instraksiyon ni dating House Speaker Lord Allan Velasco, ay naghatid siya ng male-maletang pera kina VP Sara, Davao City 1st District Rep. Paolo Duterte, at kanilang amang si dating Pang. Rodrigo Duterte.
Una na ring sinabi ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Melvin Matibag na bago naglabas ng affidavit ay sumailalim si Gracioso sa lie detector test at 99% pumasa rito.
--Ads--











