--Ads--
Nasawi ang 11 katao habang 27 iba pa ang nasugatan matapos magbanggaan ang isang tour bus at trak sa lalawigan ng Manisa, kanlurang bahagi ng Turkiye.
Ayon sa mga awtoridad, nangyari ang aksidente malapit sa Akhisar toll gates sa Gebze-Orhangazi-Izmir Highway nitong Linggo, Oktubre 11.
Biyahe umano ang bus mula Bursa patungong Izmir at papunta sana sa Pamukkale sa Denizli nang bumangga ito sa isang tow truck at tuluyang tumagilid.
Agad rumesponde ang mga pulis, bumbero at medical teams upang iligtas ang mga biktima.
--Ads--
Dinala naman sa mga ospital ang mga sugatan para sa agarang lunas.
Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang sanhi ng aksidente.





