--Ads--
Ipinagdiwang nina Kris Lawrence at Kapuso actress Katrina Halili ang kanilang unang buwan bilang opisyal na magkasintahan matapos muling magkabalikan.
Ibinahagi ni Kris sa social media ang larawan nila ni Katrina kasama ang anak nilang si Katie habang inihahatid siya sa airport. Nagpasalamat siya sa mag-ina at binati si Katrina ng happy monthsary.
Limang taon naging magkasintahan ang dalawa bago naghiwalay noong 2014. Muling niligawan ni Kris si Katrina noong Hunyo, habang inanunsyo nila ang pagsisimula ng panibagong yugto ng kanilang relasyon noong Setyembre.





