--Ads--

Magkakaroon ng world premiere sa London ang pelikulang Laya na pinagbibidahan ni Andrea Brillantes sa Nobyembre 7, 2026, bilang bahagi ng Women and the World International Film Festival.

Napili ang pelikula sa Feature Fiction Competition at ito lamang ang kalahok mula sa Pilipinas sa nasabing international film festival.

Dumalo si Brillantes sa opening gala noong Nobyembre 5, kung saan nagbigay siya ng mensahe bilang kinatawan ng Pilipinas at tagapagtaguyod ng mga kuwento ng kababaihan sa pelikula.

Sa direksyon ni Sigrid Andrea Bernardo, kasama rin sa cast sina JC Santos at Anthony Jennings.

--Ads--

Matapos ang premiere sa London, nakatakdang ipalabas ang Laya sa mga sinehan sa Pilipinas simula Nobyembre 25, 2026.