--Ads--

CAUAYAN CITY– Naisampa na ang kasong homicide sa isang karpintero na nanaksak at pumatay sa kanyang kapwa karpintero sa Luna, Quirino, Isabela.

Ang biktima ay si Mario Bumalod, 63 anyos, may asawa habang ang suspek ay si Larry Corpuz, 46 anyos, binata residente ng
Ilagan City.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PCapt. Rustom Ortigero, hepe ng Quirino Police Station sinabi niya na kinasuhan na ng homicide ang suspek.

Nauna rito ay nag-inuman ang biktima at suspek kasama ang mga kapwa karpintero ng mapikon ang Bumalod sa kwentuhan nilang hindi pa siya nag-aasawa.

--Ads--

Nakita umano ng isa sa kanilang kainuman ang pagtatalo ng dalawa subalit ang akala lang nito ay sinusuntok lamang ng suspek ang biktima subalit sinasaksak na pala niya si Corpuz.

Nagtamo ng labing isang saksak ang biktima.

Ayon pa kay Police Captain Ortigero, ang mga kasamahan nila ang nagdala sa suspek sa Quirino Police Station at labis ang pagsisi.

Tinig ni PCapt. Rustom Ortigero

Sina Bumalod at Corpuz ay parehong karpintero sa ginagawang hospital sa bayan ng Quirino.