CAUAYAN CITY- Sumampa sa 20 na mga truck na nag dedeliver ng tubo sa planta ng ethanol ang nakitaan ng paglabag sa umiiral na municipal ordinance at waste management act sa bayan ng San Mariano, Isabela.
Ilan sa mga paglabag ay ang hindi paglalagay ng safety nets sa mga trucks habang ang ilan ay may net subalit hindi ito nakalagay ng maayos.
Ayon kay MENRO officer Darwin Bulusan pinapatawan ng kauukulang multa sa mga truck na nakikitang lumalabag.
1,000 pesos para sa unang paglabag, 2000 para sa ikalawang paglabag habang ang ikatlo at huling paglabag ay pinagbabawalan ng bumiyehe at mag deliver ng tubo ang mga truck.
Ayon sa MENRO na maliban sa makalat sa daan ay maaaring magdulot parin ng aksidente sa kalsada ang mga nalalaglag na tubo mula sa mga truck.