Nagsalita na ang aktres na si Maris Racal kaugnay sa kontrobersiyal na thirdparty issue nila ni Anthony Jennings.
Emosyonal na humarap sa media si Maris para bigyang linaw ang mga isiniwalat na screenshots ng dating kasintahan ng kaniyang co-actor Anthony Jennings na si Jamela Villanueva.
Sa mga ibinahaging screenshot ni Jam mababasa ang palitan ng mensahe nina Maris at Anthony.
Paglilinaw ni Maris na na attract siya kay Anthony dahil sa kakaiba nilang chemestry bilang loveteam.
Pagamin niya na lahat ng ito ay inamn ni sa dating kasintahan na si Rico Blanco.
Naging mabait at caring umano si Anthony sa kaniya at dahil sa pag aakalang pareho silang single ay mas naging malalim ang kanilang relasyon.
Laking gulat nalamang aniya niya ng maisapubliko na ang mga private messages nila ni Anthony sa isa’t isa.
Aniya , makailang ulit silang na bash dahil umanoy mga post ni Jam sa Social Media subalit nilinaw niya na wala siyang alam na may relasyon parin ang dalawa habang sila ni Anthony.
Pakiramdam ni Maris na nalabag ang kaniyang karapatan sa pagsasapubliko ng mga pribadong mensahe niya ng wala siyang pahintulot at labag sa kaniyang kalooban.
Humingi naman siya ng tawad sa lahat ng mga taong nasaktan niya at sa mga taong sumuporta sa kaniya sa loob ng sampung taon na nadadamay dahil sa mga issue na ipinupukol sa kaniya.