--Ads--
Sa halip na makakuha ng simpatiya, lalo pang binakbakan si Maine Mendoza ng ilang netizen matapos ipagtanggol ang kanyang asawang kongresista na si Arjo Atayde kaugnay sa pagkaka-link sa maanomalyang flood control projects.
Nang pangalanan ng mga Discaya si Arjo bilang isa sa mga tumatanggap ng pera mula sa kanila, dumepensa kaagad si Maine sa kanyang social media accounts at isa na nga rito ay sa X.
Ilan sa mga netizen bumakbak kay Maine kakabit ang buong statement nito sa pagtatanggol kay Arjo.
Samantala, pinag-iinitan ngayon ng marami ang luxury properties ng mga Atayde nang halukayin ang lumang feature ni Korina sa karangyaan ng buong pamilya ng veteran actress na si Sylvia Sanchez.
--Ads--
Nagtanggol naman ang ilang netizen sa mga Atayde.










