--Ads--

Nagsampa ng criminal complaint na qualified theft ang actress-host na si Kim Chiu laban sa kapatid na si kay Lakambini Chiu matapos umano’y matuklasan ang mga iregularidad sa kanilang negosyo.

Kasama ang kanyang mga abogado, personal na inihain ni Kim ang reklamo sa Office of the Assistant City Prosecutor sa Quezon City.

Ayon sa kanyang legal counsel, sakop ng reklamo ang fiscal year 2025. Si Lakambini ay bahagi ng management team ng negosyo.

--Ads--

Sinabi ni Kim na mabigat ang desisyong ito ngunit kailangan para sa transparency, accountability, at proteksyon ng kanyang kumpanya at mga empleyado.