--Ads--

CAUAYAN CITY – May itinatago umano ang administrasyong Duterte kaya sinibak si Vice President Leni Robredo bilang co-chairperson ng Inter-agency Committee on Anti-illegal Drugs (ICAD).

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni dating Magdalo Partylist Rep. Gary Alejano na kaalyado ni Vice President Robredo na patunay na palpak ang kampanya laban sa droga ang pagsibak sa bise presidente.

Hindi nila alam kung paano i-handle si Vice President Robredo na seryoso sa hangaring makatulong sa paglutas sa problema sa droga ngunit hindi siya binigyan ng suporta para ipatupad ang kanyang naisip na approach o paraan para magtagumpay ang kampanya laban sa droga.

Hindi aniya si Vice president Robredo ang nakakahiya sa pagsibak sa kanya kundi si President Rodrigo Duterte dahil hindi niya kayang panindigan ang hamon kay Robredo.

--Ads--

Hindi umatras at umalis si Robredo kundi nanindigan matapos na tanggapin ang hamon sa kanya ng Pangulo.

Ayon kay Alejano, sa tatlong taon ang pagpapatupad sa war on drugs ay nakita na ang resulta.

Tonelada pa ring shabu ang dumarating sa bansa kaya namamayagpag pa rin ang mga druglord dahil iilan lamang sa kanila ang naaresto at napatay.

Ang tinig ni dating Magdalo Partylist Rep. Gary Alejano