CAUAYAN CITY – Patay ang isang Administrative Officer ng DepEd San Mariano matapos na tumalon sa Naguilian bridge.
Ang nasawing lalake ay si Rolando Yap Jr. dalawampu’t anim na taong gulang, may asawa at isang administrative staff ng DepEd Daragutan East San Mariano Isabela at Residente ng Sta. Filomena San Mariano Isabela.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Plt. Frederico Dulay ang Deputy chief of Police ng Naguilian Police station sinabi niya na bago matagpuan ang bangkay ay nauna silang nakatanggap ng ulat mula sa isang concerned citizen may kaugnayan sa pagtalon umano sa tulay ng isang lalake noong araw ng biyernes.
Upang maberipika ang ulat ay agad na tumugon ang kanilang himpilan katuwang ang rescue 101 at sinisid ang ilog subalit hindi nila natagpuan ang sinasabing katawan ng lalakeng tumalon mula sa tulay.
Kahapan lamang ng muli silang makatanggap ng ulat mula sa isa pang concerned citizen kung saan sinasabing may nakita silang lumulutang na bangkay ng isang lalake,na agad nilang tinugunan at nakumpirma ang isang bangkay ng isang lalake ang palutang lutang sa ilog.
Matapos maiahon ng rescue team ay kinapkapan ang nasawing lalake kung saan nakuna sa harapang bulsa ng kaniyang suot na pangibaba ang isang kulay maroon na cell phone na siyang naging daan upang matukoy ang pagkakakilanlan nito.
Sa pakikipag ugnayan ng Naguilian Police station sa pamilya ng biktima napag-alamang raw ng biyernes nang umalis umano sa kanilang bahay si Yap matapos ang hindi pagkakaintindihan sa kanilang pamilya at hindi na umuwi.
Laking gulat na lamang ng pamilya na kahapon ay natagpuan ang katawan nitong palutang lutang sa Ilog na nasasakupan ng bayan ng Naguilian.
Ayon kay PLt. Dulay na bagamat walang nakikitang anumang sugat o galos sa katawan ng biktima ay kailangan paring maisailalim sa post mortem examnation ang labi nito upang matukoy ang tunay na sanhi ng kaniyang pagkasawi.











