--Ads--

CAUAYAN CITY – Magsasagawa ng AFP Aptitude Test at Army Qualifying Exam ang Army Recruitment Office Luzon sa buwan ng Setyembre sa lunsod ng Cauayan.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni MAJ. DJAY MANIWANG, Chief ng Army Recruitment Office Luzon na isasagawa ang AFP Aptitude Test ng dalawang araw mula ikalabintatlo hanggang ikalabing apat ng Setyembre sa Isabela State University o ISU-Cauayan Campus.

Sa ikalabing lima ng Setyembre naman ay magkakaroon ng Army Qualifying Exam at special written exam sa mga mayroon ng result ng APFSAT o ang mga dati ng nag-exam na hindi pa nakapunta sa Manila para mag-exam.

Bago naman ang naturang mga pagsusulit ay may isasagawang information drive at screening at registration sa natura ring unibersidad sa ikalabing isa hanggang ikalabindalawa ng Setyembre.

--Ads--

Ang mga basic requirements ay dapat nakapagtapos ng 4 year course, Filipino, single o walang parental obligation, 5 feet flat ang taas mapababae man o lalaki, mentaly fit, edad dalawampu’t isa hanggang dalawampu’t anim, at walang record o hindi nakablotter sa ano mang himpilan ng pulisya.

Ayon kay MAJ. MANIWANG, sampo hanggang labindalawang buwan ang pagsasanay  ng mga makakapasa na gaganapin sa Camp O’donnell sa Capas, Tarlac bilang probationary officer at second liutenant ang magiging ranggo.

Kailangan aniya ngayong ng AFP ng mga technical courses tulad ng engineering, IT graduates, mga business related courses at medical related courses tulad ng psychology at biology graduates gayunman ay bukas pa rin naman sila sa ibang graduates.