Bibisita ngayong araw si AFP Chief of Staff, General Cirilito Elola Sobejana sa kampo ng 5th Infantry Division Philippine Army sa Upi, Gamu, Isabela.
Magiging highlight ng pagbisita ng AFP Chief ang pagbibigay karangalan sa mga deserving 5ID personnel/unit sa kanilang ipinamalas na kabayanihan sa bansa sa mga isinagawang counter insurgency operations partikular na ang pagkapatay sa top most NPA Commander dito sa Region 2 na si Alyas Ka Yuni.
Magugunitang noong ikalabimpito ng Marso taong kasalukuyan nang natagpuan ng pinagsanib pwersa ng 86th IB at PNP San Guillermo ang bangkay ni Ka Yuni na inihukay sa isang sagingan sa barangay Dingading, tatlong kilometro ang layo mula sa barangay na pinangyarihan ng engkuwentro.
Dahil patuloy pa rin ang pagpapatupad sa mga panuntunan upang maiwasan ang Covid 19 ay hinihikayat ang mga dadalo na magsuot ng facemask at faceshield at sumailalim sa Antigen test.
Available naman ang Antigen test kit sa triage area ng ATF kung kinakailangan.