Agad namatay ang brgy. kag. matapos pagbabarilin
CAUAYAN CITY- Patay ang isang barangay kagawad matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilang suspek sa District 2, Cauayan City
Ang biktima ay si Barangay Kagawad Rommel Taylan, 48 anyos, may asawa at residente ng Brgy. Gappal, Cauayan City.
Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo mula kay P/Sr. Insp. Ferdinand Datul, chief investigator ng Cauayan City Police Station, ang biktimang si Taylan ay lulan ng kanyang isuzu elf truck at nakaparada sa Gappal-Manaoag TODA.
Dito pinagbabaril ng mga suspek na sakay ng itim na SUV na walang plaka na nagresulta ng agarang kamatayan ng biktima.
Agad tumakas ang mga suspek patungong kanlurang direksyon matapos ang insidente.
Patuloy ang hot pursuit operation ng mga otoridad para sa ikadarakip at pagkakatukoy ng mga salarin sa krimen.




