CAUAYAN CITY – Inanyayahan ng City Health Office o CHO ang publiko na makiisa sa Aggressive Community Testing sa Lunsod sa susunod na linggo.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Dr. Genaro Manalo, City Health Officer ibinahagi nito na dahil sa paghihimok ng DOH Region 2 na magsagawa ng pagsusuri dahil sa tumataas na bilang ng Covid19 sa lungsod, nakatakdang isagawa ang Aggressive Community Testing sa Setyembre.
Gaganapin aniya sa unang araw hanggang ikaapat ng Setyembre ang nasabing malawakang pagsusuri.
Hindi lamang aniya tagalunsod ang inaanyayahan ng CHO maging ang mga residente sa mga karatig lugar partikular sa Cordon, San Isidro at Ramon ay maluwag ding tatanggapin sa mga itatalagang Testing Site.
Nakatakdang sumailalim ang mga magpapasuri sa tatlong araw na Strict Home Quarantine bago malaman ang resulta na kaniyang ipagbibigay alam sa mga MHO at CHO ng mga residenteng magpapasuri pangunahin na ang mga may sintomas ng Covid19 upang matiyak na mababantayan ang mga ito.
Nasa limang libong test kits ang ipapagamit sa Santiago Medical City, Renmar Specialist Hospital, Flores Memorial Medical Center, De Vera Medical Center, Inc., Corado Medical Clinic and Hospital, Callang General Hospital and Medical Center at Adventist Hospital of Santiago Inc.
Nakatakda rin isagawa ang Drive thru Covid 19 test para sa mga residente ng Lunsod at paalala ng CHO na makipagugnayan muna sa kanilang mga brgy. para sa inisyal na assessment sa mga posibleng magpasuri.











