--Ads--

CAUAYAN CITY- Inaresto ng mga otoridad ng isang ahente sa ikinasang anti-illegal drug buy bust operation sa Purok 1, Brgy. Minante 1, Cauayan City, Isabela.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa Isabela Police Provincial Office kinilala ang suspek na si alyas “Pito” na tinaguriang street level individual.

Sa pangunguna ng PNP Isabela at sa koordinasyon sa PDEA RO2 nasamsam sa pag-iingat ng suspek ang isang piraso ng nakaselyong pakete na naglalaman ng hinihinalang shabu (buy-bust item), isang piraso ng genuine Php1,000.00 peso bill( buy-bust money), isang unit ng cellphone, ID at motorsiklo na ginamit sa transaksyon.

Nahahara sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek na nasa kustUidiya ngayon ng pulisya para sa dokumentasyon.

--Ads--