--Ads--

CAUAYAN CITY – Patuloy ang imbestigasyon ng Roxas Police Station sa pamamaril sa isang ahente ng palay dakong alas dose ng hatinggabi habang pauwi sa kanilang bahay mula sa lamay ng kabarangay sa San Placido, Roxas, Isabela.

Ang biktima ay si Christopher Cabanilla, 36 anyos, may-asawa, palay selling agent at residente ng San Placido, Roxas, Isabela.

Lumabas sa imbestigasyon ng Roxas Police Station na ang biktima ay sakay ng motorsiklo at pauwi na sa kanilang bahay mula sa isang lamay nang paputukan ng hindi pa nakilalang suspek.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan  kay PMaj Arturo Cachero, hepe ng Roxas Police Station, sinabi niya na naganap ang pamamaril kay Cabanilla sa daan malapit na sa kanilang bahay sa barangay San Placido.

--Ads--

Nagtamo ng tama ng bala ang kanyang kamay ng biktima na tumagos sa kanyang katawan,

Si Cabanilla ay dinala ng kanyang pamilya sa  Manuel A. Roxas District Hospital ngunit inilipat sa Cagayan Valley Medical Center (CVMC) sa Tuguegarao City.

Ayon kay PMaj Cachero, nakuha sa crime  scene ang apat na basyo ng bala ng Caliber 22 magnum.

May nabanggit umanong suspek ang biktima na gabay sa imbestigasyon ng Roxas Police Station.