--Ads--

Naka-freeze na ang air assets ni dating Ako Bicol Partylist Representative Zaldy Co na nagkakahalaga ng P5 bilyon, batay sa kumpirmasyon ni Independent Commission for Infrastructure (ICI) Technical Working Group Chair Renato Paraiso.

Kabilang sa na-freeze ang isang helicopter na nasa Malaysia at isang Gulfstream aircraft na nasa Singapore.

Sa kabila nito, tiwala ang ICI na agad ding maibabalik sa bansa ang air assets ni Co.

Samantala, ayon sa komite, posibleng ipasubasta ang naunang narekober na mga luxury vehicle ni Co kung mapatutunayan umano na walang sapat na dokumento ang mga sasakyan.

--Ads--