Balik-operasyon na ang mga airline companies sa Cauayan City Airport matapos ang pansamantalang pagkansela ng mga biyahe bunsod ng masamang panahon na dala ni Bagyong Crising.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Police Captain Richard Labbao, hepe ng Cauayan City Airport Police Station, sinabi niyang umabot sa higit 300 pasahero ang na-stranded sa paliparan dahil sa kanselasyon ng mga flights.
Sa kabila nito, nilinaw ni P/Capt. Labbao na walang naitalang pinsala sa airport matapos ang pagdaan ng bagyo.
Sa kasalukuyan, balik-operasyon na ang paliparan at may regular na biyahe na patungong Maynila, kung saan 257 pasahero ang naitalang lumipad kahapon.
Dagdag pa niya, nakaapat na rin ang biyahe ng mga eroplanong patungo sa Palanan, Isabela at iba pang coastal areas sa rehiyon.











