--Ads--

CAUAYAN CITY – Tumanggap ng ayuda ang mga benepisyaryo ng Ayuda para sa kapos ang kita program (AKAP) at Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS)  sa FL Dy Coliseum.

Aabot naman sa 3,200 na benepisyaryo ang nakatanggap ng nasabing financial assistance na kinabibilangan ng mga  empleyado ng private sector tulad ng gwardiya at saleslady na nakarehistro sa naturang programa.

Nakatanggap din ng ayuda ang mga tricycle driver at vendor na hindi sapat ang kinikita.

Ayon sa pahayag ni City Mayor Ceasar “Jaycee” Dy, bagama’t maliit na halaga lamang ang kanilang naiaabot ay ay libo libong indibidwal naman ang nahahatiran ng tulong.

--Ads--

Malaking tulong din aniya ang pagkakaroon ng sariling opisina ng Social Welfare and Development (SWAD) sa Cauayan upang matugunan ang pangangailangan ng mga indibidwal na labis na nangangailangan ng tulong pinansyal.

Hindi na aniya kinakailangan ng mga residente sa Cauayan na magtungo pa sa Syudad ng Ilagan para lamang makahingi ng tulong.