--Ads--

Nasawi si Charlie Kirk, isang conservative activist at tagasuporta ni Pangulong Donald Trump, matapos barilin sa isang pampublikong pagtitipon sa Utah Valley University.

Ang biglaang pagkamatay ni Kirk ay nagdulot ng matinding pagkabigla sa buong political spectrum, kung saan parehong Republican at Democrat ang nanawagan ng pagtigil ng Politicaly Motivated crimes sa gitna ng tumitinding banta sa mga opisyal ng gobyerno.

Si Kirk ay naging maimpluwensya sa mga estudyante at kabataang botante. Nagsimula ang kanyang aktibong pakikibaka kasunod ng Tea Party movement at lumakas kasabay ng pag-angat ni Trump.

Noong 2012, sa edad na 18, itinatag niya ang Turning Point USA. Ginamit niya ang kanyang network ng mga nonprofit upang hikayatin ang mga botante sa mga campus at simbahan para sa kampanya ni Trump sa 2024.

--Ads--

Ang event sa Utah Valley University ay unang yugto ng kanyang 14-city “American Comeback Tour.” Habang sinasagot ang tanong tungkol sa mass shootings, biglang may putok ng baril.

Matapos ang insidente, parehong kaalyado at kritiko ni Kirk ang nanawagan ng panalangin.

Inihayag ni Bombo International News Correspondent Marissa Pascual, nagkaroon ng pangangalap ng pirma at nasa pitong libong katao ang tumutol sa resensya ni Kirk sa Utah State University.

Batay sa initial investigation lumalabas na ang pamamaril ay isang sniper attack dahil ang bala ay hinihinalang galing sa taas o sa bubong ng isa sa mga gusali sa unibersidad.

Nagtamo si Kirk ng isang tama ng bala sa leeg na isang Fatal shot na nagsanhi ng kaniyang pagkasawi.

Marami ang nalulungkot aniya sa pagkasawi ni Kirk dahil nakikita siya ng karamihan bilang susunod na Governor ng Arizona at susunod na Pangulo ng Estados Unidos.

Sa kasalukuyan ay kinailangan na palayain ng mga otoridad  ang unang Person of Interest dahil sa napatunayan na wala itong kinalaman sa pamamaril at muling binuksan ang man hunt sa gunman.