
CAUAYAN CITY – Bumaba na sa 85 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa lunsod ng Santiago.
Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa pamahalaang lunsod, naitala kagabi ang 4 na bagong kaso ng COVID-19 at 14 na gumaling.
Dahil dito nasa 4,195 na ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng COVID-19 sa lunsod, 3,999 ang gumaling habang 111 ang nasawi.
Samantala, bukas at sa ikadalawampo ng Mayo ay muling isasagawa ang Vaccination Rollout sa mga Senior Citizen sa mga Barangay ng Mabini, Calaocan, Calao East at Calao West.
Kaugnay nito ay patuloy ang pagsasagawa ng Assessment ng City Health Office sa iba pang kabilang sa priority list para matiyak ang bilang ng mga nakatakdang tatanggap ng bakuna kontra sa COVID-19.
Patuloy namang pinag-iingat ang publiko para makaiwas sa virus.










