--Ads--

Isa nang ganap na abogado ang aktor na si Nico Antonio matapos pumasa sa 2025 Bar Examinations.

Isa si Nico sa 5,594 na pumasa mula sa kabuuang 11,420 examinees batay sa inilabas na resulta ng Supreme Court nitong Enero 7.

Si Nico ay nagtapos ng law degree sa San Sebastian College-Recoletos de Manila.

Ang tagumpay ng aktor ay ipinagmalaki ng kanyang production company kung saan nakasaad sa naturang post na mula sa Atty. Willie sa movie ay isa na ngayong ganap na abogado si Nico hindi lamang sa pelikula kundi sa totoong buhay.

--Ads--

Gumanap kasi bilang abogado si Nico sa pelikulang “Unmarry” na comeback movie ni Angelica Panganiban, kasama si Zanjoe Marudo.