--Ads--
Literal na hindi nagpahuli ang aktres na si Andrea Brillantes matapos manguna sa ‘The 100 Most Beautiful Faces of 2024’ ng pamosong TC Candler.
Tinanghal si Andrea bilang Most Beautiful Face ngayong taon. Pumangalawa si Jisoo ng K-Pop girl group na Blackpink at sumunod ang Canadian chess player na si Andrea Botez.
Samantala, pasok sa Top 50 sina Janine Gutierrez na nasa ika-28 puwesto at Liza Soberano ika-31 puwesto.
Pasok din sina Belle Mariano na nasa ika-52 puwesto, Ivana Alawi sa ika-69 puwesto, Gehlee Danca ng K-Pop girl group na UNIS sa ika-82 puwesto, at Aiah Arceta ng P-Pop girl group na BINI sa ika-88 puwesto.
--Ads--
Ang TC Candler kasama ang ‘Independent Critics’ ay nagtatampok na ng listahan ng Most Beautiful Faces simula taong 1990.