--Ads--

CAUAYAN CITY – Naaresto sa Maddela, Qurino ang isa sa mga akusado sa pagbaril at pagpatay noong Hunyo 2018 kay Fr. Richmond Nilo ng Archdiocese of Cabanatuan City, Nueva Ecija.

Ang nadakip ay si Bernie Limpio, 36 anyos at residente ng Lacqios, Arayat, Pampanga.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan, naaresto si Limpio sa isinagawang drug buy-bust operation ng pinagsanib na puwersa ng Quirino Police Provincial Office (QPPO) at Maddela Police Station.

Nakabili umano  kay Limpio si PO3 Ryan Juliana na nagpanggap na poseur/buyer ng isang sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu.

--Ads--

Si Limpio ay nahaharap sa kasong murder kaugnay ng pagpatay kay Fr. Nilo noong ika-10 ng Hunyo, 2018 bago magsimula ang kaniyang misa sa Zaragosa, Nueva Ecija.

Si Limpio ay nagtago umano sa bayan ng Maddela matapos ang pamamaril sa pari.

Siya  ay dadalhin ngayon sa Police Regional Office #2 (PRO 2) sa Tuguegarao City, Cagayan para iharap sa isasagawang press conference.