CAUAYAN CITY – Dumulog sa bombo Radyo Cauayan ang isang magsasaka matapos na nakawin ang kanyang alagang baka sa Roxas Isabela.
Ayon kay Ginoong Rustico Catembung, ilang metro lamang ang layo ng kanilang bahay sa lugar kung saan ipinastol ang kanyang alagang baka.
Halos hindi na aniya siya makakain sa kakaisip sa nawala niyang alagang baka dahil inalagaan niya ito para sana sa karagdagang pangkabuhayan ng kanilang pamilya subalit basta na lamang ninanakaw ng mga kawatan.
Aniya, ikasampu na ang kanyang baka na ninakaw sa kanilang lugar maliban pa sa mga naitatalang nakawan sa iba pang mga karatig nilang barangay.
Panawagan niya ngayon sa mga nasa likod ng pagnanakaw ng baka sa kanilang Lugar na ibalik ang kanyang alaga dahil kailangan nila ito para sa kanilang pangkabuhayan.











