--Ads--

Pasok sa semifinals ng Abu Dhabi Open doubles sina Alex Eala ng Pilipinas at Janice Tjen ng Indonesia matapos talunin ang ikalawang seed na tambalan nina Zhang Shuai at Cristina Bucsa, 6-3, 6-4, nitong Biyernes ng madaling-araw.

Si Eala, na kasalukuyang nasa No. 45 ng Women’s Tennis Association (WTA) rankings, ay unang beses na nakipagtambal kay Tjen, na nasa No. 47 naman sa world rankings.

Bago ang kanilang panalo sa quarterfinals, nagkaroon ng matagumpay na simula ang dalawa sa Abu Dhabi tournament matapos manaig sa isang dikit at dramatikong laban kontra kina Leylah Fernandez at Kristina Mladenovic, 7-5, 3-6, 10-6, noong Miyerkules ng madaling-araw sa Court 1.

Samantala, nagtapos na ang kampanya ni Eala sa singles matapos itong matalo sa quarterfinals laban sa ikalawang seed na si Ekaterina Alexandrova. Nanaig ang world No. 11 na Russian sa straight sets upang umusad sa susunod na round.

--Ads--