--Ads--
Nalaglag na si Alex Eala sa inaugural WTA 125 Philippine Women’s Open.
Ito ay matapos siyang talunin ng Colombian na si Camila Osorio, 4-6, 4-6, sa quarterfinals nitong Huwebes sa Rizal Memorial Tennis Center.
Makakaharap naman ni Osorio sa semifinals ang Solana Sierra mula Argentina, na nanaig laban sa Thai na si Lanlana Tararudee, 6-3, 6-4, upang makuha ang tiket sa semis.
Susunod na laban ni Eala ay sa WTA 500 Mubadala Abu Dhabi, kung saan siya ay maglalaro sa main draw matapos makakuha ng wildcard entry.
--Ads--
Samantala, mas maaga sa araw na iyon, nagwagi si Tatiana Prozorova kontra kay Sofia Costoulas sa isang tatlong-set na bakbakan, 4-6, 6-2, 6-4. Tinalo rin ng World No. 72 na si Donna Vekic ang matinding hamon mula kay Zhu Lin, 6-4, 6-3.










