--Ads--

Inaasahan ni Alexandra Eala ang isang mahirap na laban kontra sa American tennis star na si Coco Gauff sa round of 32 ng Indian Wells Open.

Magkakaharap muli ang dalawa ilang linggo matapos ang kanilang laban sa quarterfinals ng Dubai Tennis Championships kung saan nanaig si Gauff sa iskor na 6-0, 6-2.

Ayon kay Eala, inaasahan niyang magiging mahirap ang kanilang muling paghaharap lalo na’t maglalaro si Gauff sa sariling bansa kung saan paniguradong maraming manonood na susuporta dito. Aniya, gagamitin niya ang mga natutunan mula sa nakaraan nilang laban habang pinaghahandaan ang susunod na paghaharap.

Samantala, nakapasok naman si Eala sa Round of 32 matapos talunin si Dayana Yastremska sa Round of 64. Na ayon sa Filipina tennis star kinailangan niyang ibigay ang kanyang buong lakas upang makuha ang panalo at inaasahan niyang mas hihigpit pa ang laban sa susunod niyang makakaharap.

--Ads--