--Ads--
Mas lalong lumapit si Alex Eala sa finals ng Eastbourne Open matapos niyang dominahin si Dayana Yastremska sa quarterfinals, 6-1, 6-2, nitong Huwebes.
Sa semifinals, muling makakaharap ni Eala ang pamilyar na kalabang si Varvara Gracheva ng France.
Si Gracheva, kasalukuyang nasa ika-111 puwesto sa Women’s Tennis Association rankings, ay dating umabot sa career-high na ika-39 noong Enero ng nakaraang taon. Si Eala naman ay nasa ika-74 na puwesto sa ngayon.
Huling nagharap ang dalawa dalawang linggo na ang nakalipas sa Nottingham Open qualifiers, kung saan nanaig ang Pinay sa tatlong set, 6-3, 3-6, 6-3.
--Ads--
Mas matangkad si Gracheva sa taas na 5’10” kumpara kay Eala na 5’9”. Kaliwete si Eala habang kanan naman si Gracheva.









