--Ads--

Matapos ang pagkatalo sa singles, nabigo rin si Alex Eala at Brazilian partner na si Ingrid Martins sa doubles ng Australian Open, matapos matalo sa tambalang Shuko Aoyama ng Japan at Magda Linette ng Poland, 6-7 (3-7), 6-2, 3-6.

Bagama’t nagsimula sila sa 4-0 lead at nakabawi sa ikalawang set, nanaig ang karanasan ng kalaban sa deciding set.

Sa kabila ng maagang pag-exit, may pagkakataon si Eala na muling magpakitang-gilas sa unang Philippine Women’s Open sa Enero 26–31 sa Rizal Memorial Sports Complex, kasama sina Stefi Aludo at Tenny Madis.

Samantala, mabilis namang nakapagtala ng panalo si Jannik Sinner kontra kay Hugo Gaston sa kanyang bid para sa AO three-peat.

--Ads--