--Ads--

Kasama si Alex Eala sa star-studded roster ng mga lalahok sa BNP Paribas Open na gaganapin mula March 4 hanggang 15 sa Indian Wells Tennis Garden sa Southern California.

Ang BNP Paribas Open ay isang outdoor WTA 1000 event na nilalaro sa hard courts, at itinuturing na isa sa pinakamalalaking torneo sa women’s tennis calendar.

Makakasama ni Eala sa torneo ang defending champion na si Mirra Andreeva at Elena Rybakina — ang 2023 champion at ang first-place sa Australian Open — pati na rin ang World No. 5 Coco Gauff.

Magde-debut naman sa BNP Paribas Open ang World No. 1 Aryna Sabalenka, na inaasahang magdadagdag ng mas matinding kompetisyon sa torneo.

--Ads--

Samantala, kasalukuyang nasa Middle East swing si Eala at naglalaro sa Abu Dhabi Open, kung saan umusad siya sa quarterfinals matapos ang isang impressive comeback win kontra Aliaksandra Sasnovich ng Belarus, 2-6, 6-4, 7-6 (7-5).