--Ads--

CAUAYAN CITY – Hindi pa rin madaanan ng kahit anong uri ng sasakyan ang Alicaocao overflow Bridge.

Dahil dito kapansin pansin ang mahabang pila ng mga  residenteng nais tumawid sa naturang ilog gamit ang bangkang de motor.

Mahigpit namang nagbabantay ang mga kasapi ng POSD sa pangunguna ng kanilang hepe katuwang ang mga barangay tanod ng Alicaocao.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni POSD Chief Pilarito Mallillin na patuloy ang pagtaas ng antas ng ilog sa Alicaocao kayat kinakailangan nilang bantayan ang naturang lugar upang matiyak na walang tatawid na motorista sa Alicaocao Overflow Bridge.

--Ads--

Titiyakin din nilang hindi magiging overload ang bangkang de motor na sinasakyan ng mga pasahero.

Ang iba naman na umuuwi sa Forest Region ay dumadaan na lamang sa bayan ng Naguillian ngunit karamihan ay tumatawid gamit ang bangkang de motor.

Ang bahagi ng pahayag ni POSD Chief Pilarito Mallillin.