--Ads--
tory

CAUAYAN CITY – Hindi madanaan ng anumang uri ng sasakyan ang overflow bridge sa Alicaocao, Cauayan City.

Ito ay   dahil sa pag-apaw ng tubig sa Cagayan River bunga ng  mga pag-ulan sa upstream tulad sa Quirino at Nueva Vizcaya.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Public Order and Safety Division (POSD) Chief Pilarito Mallillin na kaninang alas kuwatro ng madaling araw ay tumawag sa kanya ang mga watchmen at ipinabatid na hindi na madaanan ang Alicaocao overflow bridge.

--Ads--

Dahil dito ay pinayuhan niya ang mga mamamayan sa forest region ng Cauayan City  na dumaan  na Naguilian, Isabela para sa kanilang pagpunta sa centro ng Cauayan City.

Ayon kay POSD Chief Mallillin, inaasahan na nila ang pag-apaw ng tubig sa Alicaocao oveflow bridge dahil sa yellow orange rainfall warning at malakas ang ulan sa  southern part ng region  tulad ng Quirino at   Nueva  Vizcaya.

Ayon kay POSD Chief Mallillin, minomonitor din nila ang mababang tulay sa Sipat Street sa District 3  at sa Amobocan, Cauayan City.

Mayroon silang marked level kaya natutukoy nila kung umapaw na rin ang tubig sa naturang mga tulay.

Inaasahan nila na patuloy ang pag-apaw ng tubig sa Alicaocao overflow bridge kung patuloy ang pag-ulan sa upstream.

Tiniyak din ni POSD Chief Mallilin na susubaybayan nila ang pagsakay ng mga pasahero sa mga motor banca para mahadlangan ang  overloading na paglabag din sa health protocol.

Ang pahayag ni POSD Chief Pilarito Mallillin