--Ads--

CAUAYAN CITY – Ipinalabas ng lokal na pamahalaan ng Alicia Isabela ang Executive order 2021-081 na nagsasailalim sa bayan sa General community Quarantine o GCQ sa buong buwan ng Mayo.

Sa naging panayam ng bombo Radyo Cauayan kay Mayor Joel Amos Alejandro sinabi niya na dahil sa nararanasang surge sa aktibong kaso ng COVId 19 at COVID 19 related death sa naturang bayan sa loob ng dalawang linggo ay napagpasyahan niyang I-adapt ang quarantine classification ng GCQ alinsunod narin sa naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Mayor Alejandro sakaling bumaba o maging kontrolado nang muli ang  kaso ng COVID 19  ay maaari naman niyang bawiin ang ibinabang Executive Order.

Sa ilalim ng EO ,ipapatupad ang curfew mula alas diyes ng gabi hanggang alas kwatro ng umaga,at lilimitahan sa tatlumpung bahagdan ang religious gathering.

--Ads--

Sa araw ng lunes ay maglalabas ang Municipal IATF ng mas malinaw na guidelines may kaugnayan sa bagong quarantine status, halimbawa na lamang ang pagtatalaga ng panibagong quarantine check points.

Sa kasalukuyan ay umabot na 550 ang accumulative cases ng COVID 19 sa kanilang nasasakupan 85 to 100 ang active cases habang nakapagtala na sila ng dalawampu’t siyam na COVID 19 related deaths.

Ayon kay Mayor Alejandro karamihan sa mga kaso ay nai-refer sa mga pagamutan.

Aminado rin ang alkalde na pahirapan na sa ngayon ang kanilang contact tracing kaya nagpapatupad sila ng granular lockdown sa mga purok o barangay na COVID 19 infected na umabot na sa mahigit dalawampu.

Ang bahagi ng pahayag ni Mayor Joel Amos Alejandro.