CAUAYAN CITY- Nilinaw ni Vice Mayor Harold Respicio na walang palakasan na nangyayari hinggil sa mga patient transport vehicle sa bayan ng Reina Mercedes.
Kasunod ito ng natanggap niyang reklamo na may lumapit sa kaniyang opisina na hindi umano nakagamit sa ambulansiya.
Ayon sa bise, may sistema na sinusunod ang paggamit sa transport vehicle lalo.na kung hindi naman emergency.
Kaya naman, pinag-usapan na ngayong Linggo sa konseho ang magiging ayos ng paggamit ng patient transport vehicle sa nasabing bayan.
Ayon sa kay Atty. Harold, lahat ng mga nakatira sa Mercedes, botante man doon o hindi ay maaring gumamit ng ambulansya.
Ngunit kailangan aniya na maipalista ito lalo na at hindi naman maaring agarang gagamitin ito na hindi nakaschedule.
Sa ganitong paraan aniya ay makikita kung anong araw at oras ang bakante ng ambulansiya.
Ayon pa sa bise, sakaling emergency ay ipaprayoridad ang mga ito lalo na kung buhay ang nakataya.










