CAUAYAN CITY- Binuksan ang alternatibong ruta para maibsan ang matinding trapiko na dulot ng mga naganap na aksidente at road construction sa Diadi, Nueva Vizcaya.
Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office- Nueva Vizcaya ang alternatibong ruta ay bukas para sa mga biyahero na papuntang probinsya ng Ifugao at Maynila.
Ayon pa sa mga impormasyon ang alternatibong ruta ay hinihikayat para lamang sa mga light vehicles o magagaang sasakyan tulad ng motor at kotse para sa mga nais makaiwas sa mga aktibidad ng konstruksyon sa National Highway na siyang nagdudulot ng mabigat na daloy ng trapiko.
Nagpaskil na din umano ng mga otoridad ng ilang mga “signages” para sa mas mabilis na daloy sa nasabing ruta.
Hiningi naman ng PDRRMO- Nueva Vizcaya ang kooperasyon at pasensiya sa mga biyahero at motorista.
Matatandaan, nagdudulot pa rin ng masikip at mabagal na daloy ng trapiko ang pagtagilid ng isang trailer truck sa pambansang lansangang nasasakupan ng Brgy. Nagsabaran, Diadi, Nueva Vizcaya maging ang mga daang kasalukuyan ang konstruksyon.