--Ads--

CAUAYAN CITY- Arestado ang isang lalaking tinaguriang No. 7 Most Wanted Person sa lalawigan matapos masangkot sa kasong paulit-ulit na panggagahasa sa sarili niyang menor de edad na anak.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PMaj. Roselle Damil, hepe ng Kasibu Police Station, kinilala ang suspek bilang si Alyas Ferdinand, na nadakip sa bisa ng Mandamiento de Arresto na inilabas ng RTC Branch 37, 2nd Judicial Region.

Nahaharap ang suspek sa 4 counts ng Qualified Rape at 3 counts ng Acts of Lasciviousness.

Ayon sa imbestigasyon, matagal nang ginagahasa ng suspek ang kanyang anak ngunit hindi ito agad naiulat dahil sa pananakot at pagbabanta.

--Ads--

Nagkaroon lamang ng lakas ng loob ang biktima na magsumbong nang pansamantala siyang manirahan sa kanyang lolo.

Noong 2023, sinamahan ng ina ng biktima ang bata upang magsampa ng kaso. Makalipas ang dalawang taon, naaresto rin ang suspek.

Ayon pa kay Maj. Damil, nakakaalarma ang pagtaas ng kaso ng pang-aabuso, lalo na sa mga liblib na barangay.

Dahil dito, nagsasagawa na sila ng mga symposium at information drive upang palakasin ang kaalaman ng kababaihan sa kanilang karapatan at sa mga hakbang laban sa karahasan.