--Ads--

Dinakip ng mga awtoridad ang isang ama matapos pagsamantalahan ang sariling anak na menor de edad sa Brgy. Osmeña, City of Ilagan.


Naaresto ang suspek na si Alyas Jeff, 39-anyos, delivery rider at Top 8 Most Wanted Person Regional Level na residente sa naturang lungsod bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Regional Trial Court, Branch 17 sa Ilagan City sa kasong 5 counts of Qualified rape at Qualified Sexual Assault.


Batay sa ulat ng Women and Children Protection Desk (WCPD) ng Ilagan City Police Station, lumapit ang biktima, kasama ang kanyang tiyahin, noong Mayo 2023 upang ireport ang kalunos-lunos na sinapit nito sa kanyang sariling ama.


Nagsimula umanong molestiyahin ng ama ang anak nito noong siyam na taong gulang pa lamang siya nang unang mangyari ang umano’y panggagahasa na paulit-ulit.

--Ads--


Hindi agad nakapagsumbong ang bata dahil sa matinding pananakot ng ama. Binalaan umano siya na huwag magsasabi sa kanyang ina na isang OFW kundi siya ay saktan at hindi na palalabasin ng bahay.