--Ads--

CAUAYAN CITY – Naaresto at nakumpiskahan ng illegal na droga ang isang magsasaka sa Bambang, Nueva Vizcaya na akusado sa kasong rape sa tatlong anak, dalawang kapatid at isang pamangkin.

Isinilbi ng mga kasapi ng Bambang Police station ang warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Paul Attolba Jr ng RTC Branch 30 Bayombong, Nueva Vizcaya dahil sa kasong 6 counts ng statutory rape.

Ang akusado ay si Dan, 38 anyos, may-asawa at residente ng Bambang, Nueva Vizcaya.

Namataan ng mga nagpapatrulyang pulis at barangay tanod sa Almaguer, Bambang ang akusado kaya agad nilang isinilbi ang warrant of arrest laban sa kanya.

--Ads--

Sa isinagawang body search kay Dan ay nakuha sa kanyang pag-iingat ang isang plastic na supot na naglalaman ng nga-nga, at tatlong heat sealed transparent plastic sachet na nalalaman ng pinatuyong dahon ng marijuana.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni P/Sr. Inspector Samuel Lopez, hepe ng Bambang Police Station na newly identified drug user si Dan na kakasuhan ng paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).