--Ads--

CAUAYAN CITY – Sinampahan na ng kasong paglabag sa Republic Act 7610 (Anti-Child Abuse Law) ang ama na tumangay at iniwan sa kagubatan ang kanyang isang taong gulang at 3 buwang sanggol sa Sta. Maria, Alfonso Lista, Ifugao.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa Alfonso Lista Police Station, naisampa na sa piskalya ang naturang kaso laban sa suspek na si Rosito Balut, 25 anyos, at residente ng nasabing lugar.

Magugunitang nasagip ng mga otoridad ang sanggol matapos tangayin at iniwan sa kagubatan ng kanyang ama matapos silang mag-away ng kanyang live-in partner dahil sa pagseselos ng suspek.

Iniwan ng ama ang kanyang anak sa may masukal na bahagi ng lugar.

--Ads--

Dahil madilim ay hindi agad nila natagpuan ang sanggol na gumapang at nakalayo ng 10 metro patungo sa sagingan at natukoy na lamang ang kinaroroonan nito dahil sa kanyang pag-iyak.

Patuloy pa ring tinutugis ng mga kasapi ng Alfonso Lista Police Station ang ama ng naturang sanggol.