--Ads--

‎Emosyonal na nanawagan ng hustisya ang ama ng 17-anyos na binatilyong nasawi matapos masangkot sa hit-and-run accident sa kahabaan ng National Highway sa Brgy. Minante 2, Cauayan City.

‎Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ng ama ng biktima na na si Ginoong Valiente na hindi naman umano siya galit sa driver ng sasakyang nakabangga sa kanyang anak. Gayunpaman, umaasa siyang kusang sumuko ang driver upang mapag-usapan ang nangyari.

‎Ayon sa kanya, sana ay hindi na lamang tinakbuhan ng suspek ang insidente at sa halip ay hinarap na lamang ang responsibilidad nito.

‎Ibinahagi rin ng ama na bandang alas-10:00 ng gabi nang siya ay gisingin ng mga barangay official upang ipaalam na naaksidente ang kanyang anak. Noong una ay hindi umano siya makapaniwala sa balita at hindi niya alam kung ano ang gagawin sa mga sandaling iyon.

--Ads--

‎Dagdag pa niya, napakabait umano ng kanyang anak kaya’t labis ang sakit na nararamdaman ng kanilang pamilya sa sinapit nitong trahedya.

‎Matatandaang nasawi ang Isang binata matapos mabangga ng Isang puting van sa kahabaan ng National Highway, Minante II, Cauayan City.

‎Dahil sa lakas ng impact, nagtamo ng malubhang pinsala sa iba’t ibang bahagi ng katawan Ang biktima matapos itong makaladkad kasama ng kanyang motorsiklo.

‎Bagama’t agarang naisugod ito sa hospital ay binawian din ito ng buhay.

‎Samantala, patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng Cauayan City Police Station matapos na tumakas ang driver ng sasakyang nakabangga sa biktima.

‎Nananawagan naman ang kapulisan sa sinumang may impormasyon hinggil sa insidente na makipagtulungan sa kanila upang agad na matukoy at mapanagot ang responsable sa insidente.