--Ads--

CAUAYAN CITY – Nanalo ang bayan ng Ambaguio sa lalawigan ng Nueva Vizcaya sa Tourism Champions Challenge na inorganisa ng Department of Tourism (DOT).

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Tourism officer Nuepe Manuel Jr. ng Ambaguio, Nueva Vizcaya na ang Tourism Champions Challenge ay isang pacontest ng DOT sa buong bansa.

Aniya, ang naging entry nila ay ang Ambaguio skyport.

Sa halos isang daang entries sa buong bansa ay pumili ang DOT ng labinlimang finalist at kabilang ang ang Ambaguio sa napili.

--Ads--

Napanalunan naman nila ang first prize na P20 milyon at nagdagdag pa si Pangulong Bongbong Marcos ng P5 milyon sa bawat winner’s kaya sa kabuuan ay P25 milyon ang kanilang natanggap na premyo.

Ayon kay Tourism officer ManueL, ang nakikita nilang naging lamang nila sa ibang entries ay dahil hindi pangkaraniwan ang mula sa Ambaguio na nasa bundok dahil karamihan sa kanilang mga nakalaban ay mula sa dagat ang entries.

Aniya, malaki ang tulong nito sa kanilang turismo dahil mas makikilala ang kanilang bayan at madagdagan din ang mga turista na magtutungo sa kanilang lugar.

Malaking tulong din ito sa kabuhayan ng mga residente.

Tinig ni Tourism officer Nuepe Manuel Jr.