
Itutuloy ngayong araw ang Amphibious Exercise sa karagatang sakop Claveria, Cagayan matapos na hindi natuloy kahapon.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Major Emery Torre, Public Affairs Officer ng Marine Mobile Landing Team 6 na dahil sa hindi magandang lagay ng panahon Kahapon ay ipinagpaliban ang Amphibious Exercise sa Claveria, Cagayan at ngayong araw na lamang isasagawa.
Ang Amphibious Operations and Amphibious landing na isasagawa ngayong araw sa Claveria, Cagayan ay bahagi ng Balikatan Exercises 2022 at lalahukan ng mga kasapi ng Philippine-U.S. marine Corps (COR).
Ang Amphibious Operations ay Maritime Manuever habang ang Amphibious landing ay isang coastal defense Scenario.
Ayon kay Major Torre ang Amphibious Operations ay maritime Manuever at magkakaroon ng Scenario na dedepensahan ang area ng Claveria at dito ay ipapadala ang pinagsanib na puwersa ng Phil. at U.S. Forces.
Makikita rin ang mga air assets ng Pilipinas at Amerika na lilipad sa air space habang nagsasagawa ng Amphibious Exercise sa Claveria, Cagayan.










