CAUAYAN CITY – Nanganganib ngayon ang buhay ng labing-isang buwang gulang na sanggol na anak ng babaeng brutal na pinatay sa bayan ng Paracelis, noong ikadalawamput lima ng Hunyo.
Ang nanay ng sanggol na si Clexy Ilacad, ay tatlumpu’t tatlong beses na sinaksak ng kanyang live-in partner na si Rodante Palangdao dahil umano sa selos.
Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan napag-alaman na ang sanggol na si Josiah ay may malubhang sakit sa atay na tinatawag na biliary artesia at kailangan nito ng liver transplant sa lalong madaling panahon.
Ayon sa mga kaibigan ng biktima, na bago namatay si Clexy ay nagtatrabaho ito araw at gabi para sa kanyang anak.
Siya rin umano dapat ang magiging donor ng kanyang anak ngunit hindi na natuloy matapos siyang mapatay ng kanyang kinakasama.
Sa ngayon ay patuloy ang panawagan ng pamilya ng tulong para sa pagpapagamot sa sanggol.