--Ads--

CAUAYAN CITY – Kinasuhan na ang anak ng dating mayor ng Lubao, Pampanga at tsuper nito na nakipagbarilan sa mga pulis at nadakip sa Kayapa, Nueva Vizcaya.

Una nang napaulat ang pagkakadakip nina Bryan Lachica, 43-anyos, may asawa, anak ng dating Alkalde sa Lubao, Pampanga at tsuper nito na si Bobby Decena, 35-anyos, isang pintor at residente ng San Mateo, Isabela.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PSSgt. Frederick Mariano ng Bambang Police Station, pinara nila ang sasakyan ng mga pinaghihinalaan  sa National Highway sa  Banggot, Bambang, Nueva Vizcaya kung saan isasagawa sana ang drug buybust operation ngunit nakatunog ang mga pinaghihinalaan at pinaharurot ang sasakyan palayo sa lugar.

Hinabol ng mga awtoridad ang mga pinaghihinalaan ngunit  pinaputukan sila kaya nakipagpalitan ng putok ang mga pulis at masuwerte namang walang nasaktan sa magkabilang panig.

--Ads--

Nakuha sa mga pinaghihinalaan ang dalawang medium sachet ng hinihinalang shabu na buybust item, P27,000 na marked money, 3 Medium heat-sealed transparent plastic sachet ng hinihinalang shabu, 8 Small heat-sealed transparent plastic sachet ng hinihinalang shabu, isang digital weighing scale, illegal drug paraphernalia at 2 cellphones.

Nakuha rin sa pag-iingat ng mga pinaghihinalaan ang isang hand grenade, isang Cal. .38 revolver na may 4 na bala, 2 basyo ng bala at isang Toyota Vios Sedan Car na naging get away vehicle ng mga pinaghihinalaan.