--Ads--

CAUAYAN CITY – Hindi inakala ng isang mag aaral na anak ng isang magsasaka na mabibigyan siya ng scholarship para makapag aral sa Estados Unidos.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Edrian Liao, isang senior high student sa Philippine Science High School o Pisay–Cagayan Valley Campus, sinabi niya na hindi niya akalaing siya ay mapapasama sa matatanggap sa Duke University na isa sa Top 5 Universities sa Estados Unidos.

Sa kasalukuyan ay Grade 12 na si Edrian at nakatakda siyang magtapos sa susunod na taon.

SINABI niya na nasa elementarya pa lang siya ay sumasali na siya sa mga International Math Competition sa Singapore at China.

--Ads--

Nang tumuntong siya sa High school ay nagkamit rin siya ng mga parangal sa National Science Competitions tulad ng Philippine Science Olympiad at Philippine Biology Olympiad.

Nakarating na rin siya sa Japan para sa Exchange Program ng kanilang eskwelahan at natuto siya sa ibat ibang larangan tulad ng Marine Biology pati na ang pagpunta nila sa Astro Physical Science Center kung saan nagsimula ang kanyang interes upang mag aral ng Aerospace Engineering.

Aniya mag-isa siyang nag apply sa Duke University ngunit may mga organisasyon na tumulong sa kanya upang abutin ang kanyang pangarap.

Aniya mahirap pumasok sa nasabing unibersidad dahil hindi lamang exam ang gagawin kundi ikukunsidera rin ang mga awards na nakuha ng estudyante.

Dahil sa Covid 19 ay hindi siya nakapag exam ngunit laking pasasalamat niya nang gawing optional ang examination para makapasok.

Aniya, umaga ng ikalabing walo ng Disyembre nang buksan niya ang portal ng Unibersidad para alamin kung siya ay nakapasok at laking gulat niya nang makita ang letter mula sa dean ng unibersidad na nagsasabing siya ay admitted na.

Isang buwan din siyang naghintay at bumaba na rin ang kanyang pag asa na siya matatanggap.

Ayon kay Edrian, Mechanical Engineering, minor in Computer Science ang kanyang kukuning kurso at kukuha rin siya ng certificate sa Aerospace Engineering.

Ang bahagi ng pahayag ni Edrian Liao.