--Ads--

CAUAYAN CITY – Napuno ng kalungkutan ang paghahatid sa huling hantungan sa sinaksak at napatay na anak ng kilalang abogado dito sa Cauayan City.

Sa isinagawang necrological service ay ibinahagi ni Gng. Ditas Maloloyon ang naging masayang buhay ng kanyang anak na si Revin Maloloyon hanggang sa pinaslang.

Ayon kay Gng. Maloloyon mabait ang kanyang anak at hindi kayang makapanakit ng iba.

Hustisya rin ang hangad ng pamilya ni Atty. Ralph Maloloyon sa pagkasawi ng ikalawang anak matapos saksakin ng mga suspek na nambato sa kanyang sasakyan sa tapat ng isang bahay inuman sa San Fermin, Cauayan City.

--Ads--

Nasawi ang binatang negosyante at naging SK Chairman na si Revin Maloloyon, 26 anyos, residente ng District 1, Cauayan City dahil sa malalang saksak sa kanyang dibdib at tagiliran.

Ayon Kay Atty. Maloloyon, sa kabila na masakit ang pagkamatay ng kanyang anak ay kinakailangan nilang tanggapan.

Nagpapasalamat naman ang pamilya Maloloyon sa mga nakiramay at nakidalamhati sa kanila.