--Ads--
Pinatay ng apat na hindi pa nakikilalang indibidwal si Saif al-Islam Gaddafi, anak ng yumaong Libyan leader na si Muammar Gaddafi, bagama’t wala pang detalye kung paano nangyari ang insidente o kung sino ang responsable.
Kinumpirma ng political adviser ni Saif na si Abdullah Othman, ang kanyang pagkamatay, habang sinabi naman ng kanyang French lawyer na si Marcel Ceccaldi na hindi pa alam ang pagkakakilanlan ng mga salarin.
Si Saif al-Islam ay kilala bilang political figure sa Libya bago ang pagkamatay ng kanyang ama noong 2011.
Naglabas ng opisyal na pahayag ang kanyang political team upang magluksa at ipinaalam na ginagawa na ang mga nararapat na hakbang.
--Ads--





