Pumanaw ang anak ng TV host na si Kim Atienza na si Emman, 19, ayon sa anunsiyo ng kanyang ina na si Felicia sa Instagram nito ngayong Biyernes.
Ayon sa kanyan ina, naghatid ito ng labis na saya, halakhak, at pagmamahal sa kanilang pamilya at sa lahat ng taong nakakilala sa kanya.
Hindi rin umano ito natakot na ibahagi ang sarili niyang karanasan tungkol sa kanyang mental health at sa pamamagitan ng kanyang pagiging totoo, marami ang natulungan niyang hindi makaramdam ng pag-iisa.
Hiniling din ng pamilya Atienza na alalahanin si Emman sa pamamagitan ng pagpapakita ng compassion, courage, atg dagdag na kabaitan sa araw-araw na pamumuhay.
Hindi pa ibinubunyag ng pamilya ang sanhi ng kanyang pagkamatay.
Si Emman ay kilalang mental health advocate sa social media, partikular sa TikTok, kung saan mayroon siyang mahigit 837,000 followers hanggang nitong Biyernes.
Ang kanyang huling post ay noong Martes.
Nasa Los Angeles umano si Emman para sa gamutan nang siya ay pumanaw.
Naulila nito ang kanyang mga magulang na sina Kim at Felicia Atienza, at mga kapatid na sina Jose at Eliana.







